
Isinugod sa Gemelli Hospital sa Rome, Italy si Pope Leo noong Martes para sumailalim sa operasyon upang alisin ang maliit na bukol sa kaniyang baga.
Ayon sa Vatican, pangungunahan ni Professor Stefano Margaritora, punong thoracic surgeon ng ospital, ang operasyon upang matukoy ang kondisyon ng bukol at kung kakailanganin pa ng karagdagang gamutan.
Nauna nang sinabi ng 71-anyos na papa na natuklasan ang bukol sa kaniyang kamakailang medical checkup at maaga itong nakita. Hindi pa malinaw kung benign o malignant ang naturang bukol.
Inaasahang mananatili sa ospital si Pope Leo nang halos isang linggo habang nagpapagaling.
Kinansela rin ang kaniyang mga pampublikong aktibidad hanggang Oktubre 20.
Nakatakda sanang bumiyahe ang papa sa Uruguay, Argentina at Peru mula Nobyembre 6 hanggang 17 para sa kaniyang 11-araw na pagbisita sa South America.










