Iniimbestigahan na ng Police Regional Office-Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) ang posibleng financiers at posibleng export ng mga marijuana na malawakang itinatanim sa Cordillera.

Ayon kay Police Regional Office- CAR director BGen. Ericson Dilag, maaaring may nagpo-pondo sa mga plantasyon dahilan para magpatuloy sa pagtatanim ang ilang lokal kahit paulit-ulit na itong nao-operate ng PNP.

Gayundin, hindi umano ma-trace sa Metro Manila at iba pang lugar ang laki ng demand kaya palaisipan kung saan napupunta ang bulto ng marijuana.

Ginawa ni Dilag ang pahayag matapos i-report ang mahigit 300-milyong pisong halaga ng mga pananim na kanilang nadiskubre’t sinira mula Enero hanggang kalagitnaan ng Pebrero.

Halos nadoble ito sa 123 million ng marijuana plantation na kanklang nasira sa parehong panahon noong nakaraang taon.

-- ADVERTISEMENT --