Pinakilos na ng Philippine Red Cross ang kanilang search and rescue at ambulance teams matapos bahain ang ilang barangay sa Catanduanes bunsod ng walang tigil na pag-ulan na dulot ng shearline.

Ayon sa PRC, kasalukuyang nasa full capacity ang kanilang mga operasyon upang matiyak ang mabilis at maayos na pagresponde sa mga apektadong residente.

Patuloy rin ang isinasagawang search and verification operations ng emergency team kasunod ng isang napaulat na nawawala sa Barangay Obo sa San Miguel.

Samantala, nananatili namang naka-full alert ang PRC at handang tumugon sa emergencies at magbigay ng humanitarian assistance sa mga lugar na higit nangangailangan ng tulong.