
Bahagyang tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado kasunod ng mga usapin sa posibleng pagpapatuloy ng ceasefire sa pagitan ng Iran at Estados Unidos at paglabas ng datos sa inflation ng US.
Umakyat ng 0.7% sa $83.71 kada bariles ang US crude, habang nadagdagan naman ng 0.3% sa $89.19 kada bariles ang Brent crude.
Ayon sa isang senior Iranian official, walang nagaganap na pag-uusap sa pagitan ng Iran at US para palawigin ang ceasefire, habang patuloy ding binabantayan ng mga merkado ang sitwasyon sa Strait of Hormuz.
Samantala, umakyat ng 0.1% ang Consumer Price Index ng US noong nakaraang buwan, habang bumagal sa 3.4% ang annual inflation mula 3.5% noong nakaraang buwan.










