Muling tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado habang humihina ang pag-asang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran na magwawakas sa sigalot sa Middle East.

Umabot sa $91.07 kada barrel ang Brent crude, habang nasa $84.99 kada barrel ang US West Texas Intermediate o WTI.

Ayon sa mga analyst, kabilang sa nagtutulak sa pagtaas ng presyo ang patuloy na tensyon sa Strait of Hormuz, kung saan kakaunti pa rin ang mga barkong nakakatawid.

Nagbabala rin ang mga eksperto na maaaring lalo pang maapektuhan ang suplay ng langis kung magpapatuloy ang tensyon at mananatiling limitado ang daloy ng mga tanker sa strategic waterway.