
Pinangalanan ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Commodore Jay Tarriela ang dalawang Pinoy vloggers na “pro-China” dahil sa pagsusulong nito ng mga maling pahayag tungkol sa West Philippine Sea (WPS).
Sa pagdinig ng House-Tri-Comm hearing, tinanong ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si Tarriela tungkol sa vloggers na nagpapalaganap ng mga salaysay ng China tungkol sa pinag-aagawang WPS.
Tinuro naman ni Tarriela ang mga vloggers na sina Marck Anthony Lopez at Adolfo “Ado” Paglinawan na nilarawan niya na silang nagpapakalat ng taliwas na factual narrative ng gobyerno ng Pilipinas pagdating sa paglaban sa WPS.
Kaagad namang tinanong ni Barbers si Paglinawan tungkol sa pananaw niya sa isyu ng WPS at sa tinayuan nila ng installations.
Kinontra naman siya ni Barbers at sinabing malinaw ang sinasabi ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS na atin ang naturang lugar.
Iginiit naman ni Tarriela na nauunawaan naman ang nakasaad sa 2016 Arbitral award na ang Pilipinas ang siyang may sakop sa WPS at hindi ang China.