binatikos ng House prosecution team ang defense panel ni Vice President Sara Duterte matapos umanong hindi tumugon ang mga abogado nito sa itinakdang pagkikita para paghambingin ang mga dokumentong may kaugnayan sa confidential funds.

Ayon kay private prosecutor Lorna Kapunan, ilang mensahe ang ipinadala nila sa defense upang magkasundo sa petsa ng pagpupulong, ngunit sinabi umano ng mga ito na maaari lamang silang makipagkita sa Agosto 14, na hindi na umano naaayon sa direktiba ng impeachment court na magpulong noong nakaraang Huwebes o Biyernes.

Samantala, sinabi ni defense lawyer Kristine Ferrer na hindi na kailangang personal na paghambingin ng dalawang panig ang mga ebidensya dahil ang authenticity ng mga dokumento ay pagpapasyahan pa rin ng impeachment court.

Dahil dito, iniutos ni Senate impeachment court presiding officer Francis Chiz Escudero sa defense na isumite sa korte ang kanilang mga minarkahang ebidensya mula sa pre-trial conference upang ang korte mismo o ang mga senador-hukom ang magsagawa ng paghahambing.

Nasa witness stand naman si Commission on Audit-Intelligence and Confidential Funds Audit Office state auditor Xylene del Campo, na tumestigo hinggil sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ni Vice President Duterte.

-- ADVERTISEMENT --