Dumating na sa batanes ang Public Works and Highways Secretary Manuel M. Bonoan sa lalawigan ng Batanes upang personal na makita ang sitwasyon at pangunahan ang pag-inspeksyon sa kalagayan ng mga pangunahing kalsada at tulay.

Kaagad namang nagsagawa ang DPWH-Batanes District Engineering Office (BDEO) ng clearing operations sa mga apektadong road network.

Ang lalawigan ng Batanes ay labis na nasalanta sa pananalasa ni Super Typhoon “Julian” na nakaapekto sa mga major road network sa naturang lalawigan dahil sa malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, at mga natumbang puno at poste.

Samantala, nauna ng nagpadala ng technical personnel ang DPWH Regional Office II para lumahok sa pagsagawa ng Rapid Disaster Assessment and Needs Analysis (RDANA) katuwang ang ibang national government agencies.

Patuloy rin ang DPWH-BDEO Technical Team sa pag-assess ng mga nasirang school buildings.

-- ADVERTISEMENT --