
Hinamon ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte na patunayan ang kanyang alegasyon na may banta umanong pagkakait ng pondo sa mga kongresista kung hindi susuporta sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Ridon, mahalagang maglabas ng ebidensya si Duterte sa halip na basta magbitaw ng akusasyon sa social media.
Hinimok din niya si Rep. Duterte na ipakita ang kanyang paninindigan sa pamamagitan ng paglahok at pagdepensa sa impeachment complaint sa plenaryo ng Kamara de Representantes.
Kinuwestiyon din ng mambabatas ang umano’y madalang na pagdalo ni vp sara Duterte sa mga sesyon at plenary proceedings ng Kamara.
Nag-ugat ang pahayag ni Ridon matapos mag-post si Pulong Duterte sa social media ng alegasyon na may ilang kongresista umanong binabantaan ng pagkawala ng pondo sa kanilang mga distrito kung hindi sila boboto pabor sa impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.










