
Mariing pinabulaanan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang lumabas sa social media na sya ay may alam o sangkot sa planong impeachment complaint laban kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Tiniyak din ni Arroyo na hindi nya susuportahan sakaling may maghain ng impeachment complaint sa Kamara laban kay Remulla.
Pinaalala ni Arroyo na si Remulla ay dating Career Executive Service Officer (CESO) Assistant Secretary sa panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Binanggit ni Arroyo na noong maganap ang EDSA Dos ay bumaba si Remulla sa pwesto para bigyang laya sya na i-organisa ang Malacañang sa halip na kumapit ito sa Civil Service security of tenure.
Bunsod niya ay binigyang diin ni Arroyo na naging kaalyado niya si Remulla ng ito ay maging mambabatas at marami itong naging ambag sa legislative policy at maayos na pamalakakad ng kanyang administrasyon.










