Nagsalita na ang dating navy chief na ngayon ay retired vice admiral Robert Empedrad ukol sa ang mga alegasyon ni dating Senator Antonio Trillanes IV.

Ang dating opisyal ng Philippine Navy ay kasama sa mga kinasuhan ng dating senador ng plunder at graft case kabilang sina dating PRRD at Sen. Christopher Go.

Sinabi Empedrad na malinis ang kanyang konsensya ukol sa naturang isyu.

Inihalimbawa rin ng retiradong opisyal ang pagharap niya noon sa kongreso at sa Commission on Appointments na maayos umano nilang nalagpasan.

Aniya, naging consistent siya sa lahat nang ito at walang natukoy o nakitang anumang anomalya kaya’t tuluyan siyang kinumpirma bilang flag officer.

-- ADVERTISEMENT --

Nagsilbi si Empedrad bilang chairman ng Navy technical working group na bumuo sa technical specifications ng kontrobersyal na frigate deal noong panahon ni dating Pang. Rodrigo Duterte.

Ito ang naging basehan ni Trillanes sa kanyang inihaing reklamo.

Ang mga naturang frigate ay ang ginagamit na ngayong BRP Jose Rizal at BRP Andres Bonifacio na nai-deliver sa Pilipinas noong 2020 at 2021 na ginagamit ngayon ng Pilipinas sa pagpapatrolya sa West Phil Sea.