Simula bukas ay lalarga na ang bagong round ng tapyas sa presyo ng lahat ng oil products.

Sa abiso ng oil companies, may itatapyas na P0.75 sa kada litro ng gasolina.

Mayroon ding iro-rollback na P0.85 sa kada litro ng diesel; at P0.80 sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang ikatlong linggong rollback sa diesel at kerosene.