
Iginiit ni President Ferdinand Marcos Jr. na hindi nagpapahina sa posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea ang provisional understanding sa China para sa rotation and resupply o RORE missions sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Marcos, layunin ng naturang kasunduan na maiwasan ang hindi pagkakaunawaan o insidenteng maaaring mauwi sa mas malaking tensyon o alitan.
Sinabi ng Pangulo na patuloy na magsasagawa ang Pilipinas ng resupply missions para sa mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre.
Ipinaliwanag din niya na nagbibigay lamang ang Pilipinas ng abiso tungkol sa galaw ng mga sasakyang pandagat nito sa West Philippine Sea bilang bahagi ng standard practice upang maiwasan ang kalituhan.
Binigyang-diin ni Marcos na hindi nito binabawasan ang anumang sovereign rights o territorial claims ng Pilipinas, alinsunod sa UNCLOS at sa arbitral award.
Ayon naman sa Department of Foreign Affairs, umabot na sa 15 ang incident-free RORE missions sa mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre.










