
Sinibak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez si Rayson Dela Torre bilang pinuno ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) matapos ang insidente ng pagpigil sa isang ambulansya sa kahabaan ng EDSA.
Ayon sa ulat, hindi pinayagan ni Dela Torre na makadaan ang ambulansya sa EDSA Busway kahit may sakay itong pasyente na may nakatakdang medical appointment.
Iginiit naman ni Lopez na malinaw ang patakaran na pinahihintulutang dumaan ang mga ambulansya sa EDSA Busway anuman ang kondisyon ng pasyente.
Tiniyak din ng kalihim na magsasagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa naturang insidente.










