Nagpasok ang Sandiganbayan Third Division ng not guilty plea para kay dating Senator Ramon Bong Revilla Jr. sa kasong malversation may kaugnayan sa umano’y P92.8 million ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Ito ay matapos na tumanggi si Revilla na magpasok ng kanyang plea sa isinagawang arraigment o pagbabasa ng sakdal, kaya ang Sandiganbayan ang nagpasok ng not guilty plea para sa kanya.

Nag-plead not guilty naman ang kapwa akusado ni Revilla na si Public Works and Highways (DPWH) Bulacan First District Engineering Office finance section chief Juanito Mendoza.

Una rito, nagpasok ng not guilty plea ang iba pang akusado na sina:

former Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez
former Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Engr. Jaypee Mendoza
former Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Engr. Arjay Domasig
former Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Engr. Emelita Juat, and 
DPWH Bulacan First District Engineering Office cashier Christina Pineda

-- ADVERTISEMENT --

Noong nakalipas na araw ng Lunes, nagpasok din ang Sandiganbayan Fourth Division ng not guilty plea para kay Revilla sa kasong graft, may kaugnayan pa rin sa nasabing flood control project sa Bulacan.