
Muling dumalo sa Senado si Senator Ronald “Bato” dela Rosa nitong Lunes ng hapon para sa plenary session matapos ang ilang buwang pagliban.
Ito ang unang pagkakataon na nakita si dela Rosa sa Senado mula pa noong Nobyembre 11, 2025.
Naging emosyonal ang senador habang nagsasalita sa plenaryo matapos niyang sabihin na may mga awtoridad umanong nagtangkang pigilan ang kaniyang pagpasok sa Senado.
Batay sa attendance sheet ng Senado, umabot sa 31 plenary sessions ang hindi nadaluhan ni dela Rosa bago ang kaniyang pagbabalik.
Nauna nang naharap si dela Rosa sa mga tanong kaugnay ng kaniyang matagal na pagkawala sa Senado kasabay ng mga ulat tungkol sa umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court.
-- ADVERTISEMENT --




