Iminungkahi ni Senator-Judge Erwin Tulfo na iharap bilang testigo si dating Vice Presidential Security and Protection Group o VPSPG chief Colonel Raymund Lachica sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Tulfo, mahalagang marinig mismo ang panig ni Lachica dahil ilang testigo na ang nagbanggit sa kanya kaugnay ng paggamit ng confidential funds. Tinawag niya itong “missing link” upang malinawan ang mga hindi pa nasasagot na usapin sa paglilitis.

Sinabi naman ni Senate impeachment court presiding officer Francis “Chiz” Escudero na kung hindi tatawagin ng prosekusyon o depensa si Lachica, maaaring gamitin ng korte ang kapangyarihan nitong ipatawag siya bilang testigo matapos ang presentasyon ng ebidensya ng magkabilang panig.

Samantala, sinabi ng private prosecutor na si Lorna Kapunan na hindi na kinakailangang iharap si Lachica dahil magiging redundant lamang umano ito.

-- ADVERTISEMENT --