Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na hindi sabay lumabas ng bansa ang mag-inang sina Senator Loren Legarda at anak nitong si Batangas Rep. Leandro Leviste.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, umalis ang mga ito noong Linggo, August 2 sa magkahiwalay na flights.

Pinayagan naman at hindi hinarang ang mga ito dahil wala silang derogatory records.

Si Leviste ay idinadawit sa isyu ng uamno’y “honey trap” o bugaw modus na iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Bigo rin siyang sumipo sa subpoena ng NBI kahapon kaugnay sa isyu at itinakda ang susunod na pagdinig sa susunod na linggo.

-- ADVERTISEMENT --