
Inirekomenda ng Field Investigation Bureau ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder at indirect bribery laban kay Senador Rodante Marcoleta dahil sa umano’y pagtanggap ng P75 milyon na campaign donations.
Kasama ring inirerekomendang sampahan ng kaso sina dating Quezon City 2nd District Rep. Mike Defensor, Joseph Varias Espiritu, at Aristotle Baluyut Viray na umano’y nagbigay ng pera sa senador.
Batay sa complaint-affidavit ng Ombudsman, tinanggap umano ni Marcoleta ang magkakahiwalay na donasyon na P30 milyon mula kay Defensor, P25 milyon mula kay Espiritu, at P20 milyon mula kay Viray noong Jan. 2025.
Kinuwestiyon naman ni Defensor ang motibo ng Ombudsman at iginiit na walang basehan ang kaso dahil personal na donasyon ito at hindi pondo ng pamahalaan.










