Inamin ni Senador Robin Padilla na handa siyang suportahan ang pagbabago ng Senate leadership kung sakaling umabot sa Senado ang impeachment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte.

Gayunpaman, sa kasalukuyan, wala siyang nakikitang dahilan para palitan si Senate President Vicente Sotto III.

Ani Padilla, magiging dahilan lamang ang impeachment ni Duterte para isaalang-alang ang pagpapalit ng liderato, dahil personal niyang ayaw ang impeachment laban sa bise presidente.

Samantala, tiniyak ni Senate Deputy Majority Floor Leader JV Ejercito na wala pa siyang natatanggap na konkretong usapan tungkol sa pagpapalit ng liderato at bilang bahagi ng kasalukuyang liderato, magiging huli siyang magdesisyon kung sakaling mangyari ito.

Samantala, tinukoy ni Sotto na narinig niyang inalok si Senadora Loren Legarda sa posisyon ng Senate President, ngunit ayon kay Legarda, hindi siya tumanggap ng alok.

-- ADVERTISEMENT --

Naniniwala si Sotto na solid ang suporta ni Legarda sa kasalukuyang majority bloc at nananatiling matatag ang kanilang panig sa Senado.