Nakatakdang mag-convene ang Senado bilang impeachment court ngayong Lunes, Mayo 18.

Ito ay matapos tanggapin ng Senado ang Articles of Impeachment mula sa Kamara de Representantes laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa liham ni Cayetano kay House Speaker Faustino Dy III na may petsang Mayo 14, nakasaad na mag-uumpisa ang pag-convene ng impeachment court, dakong 3:00 ng hapon.

Wala naman aniya siyang nakikitang amendment sa rules at masaya rito ang majority bloc ng Senado kasunod ng kanilang caucus noong nakaraang Linggo

Tiniyak din ni Cayetano na anumang magiging antala sa proseso ay hindi manggagaling sa mayorya.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinaliwanag ni Cayetano na sa oras na magkaroon ng motion to convene, siya ang mauunang mag-oath bilang presiding officer ng impeachment court, kasunod ang 23 senador.

Susunod naman aniya ang pag-iisyu ng mga summon at pagsisimula ng pormal na proseso ng impeachment court.

Ang hakbang ay bahagi ng pormal na proseso ng impeachment na isasagawa ng Senado bilang impeachment tribunal para sa kaso ng Bise Presidente.

Samantala, isang araw bago ang pag convene ng Senado bilang im,peachment court, nagmisa at nag-rally ang ilang grupo na nananawagang ituloy na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Kabilang sa mga dumalo ang mga kongresistang miyembro ng prosecution panel.