Kinumpirma ni Sen. Robin Padilla nitong Lunes na nasa Pilipinas pa rin si Sen. Bato dela Rosa, ngunit wala siyang kaalaman sa eksaktong kinaroroonan nito.

Ayon kay Padilla sa mga mamamahayag, wala siyang ideya kung nasaan si Bato.

Dagdag pa niya na nasa Pilipinas si dela Rosa at hindi ito aalis ng bansa.

Si dela Rosa ay nahaharap sa arrest warrant mula sa International Criminal Court at ilang ulat na nagsasabing hindi na ito nagpakita sa Senado matapos ang kanyang pagbabalik kamakailan.

Batay sa ulat, noong Mayo 14 ay hindi na umano nakita si dela Rosa sa Senado matapos manatili muna sa protective custody ng institusyon.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi rin ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Padilla ay kabilang sa mga itinuturing na “person of interest” kaugnay ng usapin sa kinaroroonan ni dela Rosa.

Sa pahayag ng senador, tinanggap niya ito at sinabing ganoon talaga at wala silang magagawa kung iyon ang sinabi ng awtoridad.

Tumanggi naman si Padilla na magbigay ng iba pang detalye at iginiit na hintayin na lamang ang opisyal na imbestigasyon.