Pinuna ni Senador Robin Padilla ang ilang politiko na aniya’y dati umanong matapang ngunit tila nananahimik na sa gitna ng mga kinahaharap na suliranin ng bansa.

Ginawa ni Padilla ang pahayag sa pagtatapos ng tatlong araw na peace rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, kung saan kinuwestiyon din niya kung bakit hindi umano nagsasalita ang ilang mamamayan sa kabila ng kanilang mga nararanasang problema.

Pinasalamatan din ng senador ang INC sa patuloy nitong panawagan para sa transparency at accountability, gayundin sa pagpapakita umano ng malasakit sa bayan.

Matatandaang nagpahayag din ang grupo ng suporta kay Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng kinahaharap nitong kasong plunder.