Inaprubahan ng Senado ang legislative calendar para sa ikalawang regular na sesyon ng 20th Congress, na nakatakdang magsimula sa Hulyo 27 hanggang Oktubre 9, 2026, bago ang unang recess mula Oktubre 10 hanggang Nobyembre 8.

Magpapatuloy ang sesyon mula Nobyembre 9 hanggang Disyembre 18, susundan ng holiday break hanggang Enero 17, 2027.

Muli itong magbubukas mula Enero 18 hanggang Marso 19, magre-recess mula Marso 20 hanggang Mayo 2, at magtatapos sa Mayo 3 hanggang Hunyo 4, 2027.

Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, mahalaga ang naturang iskedyul upang maayos na maplano ang pagtalakay sa panukalang ₱7.2-trilyong pambansang badyet para sa 2027, na inaasahang isusumite ng ehekutibo sa Kongreso sa Agosto 14.