
Nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian ng agarang reporma upang mapababa ang presyo ng kuryente, kasabay ng mabagal na paglago ng ekonomiya at pagtaas ng epekto ng pandaigdigang krisis sa enerhiya.
Ayon kay Gatchalian, kailangang maging mas transparent at masusing mapatunayan ang generation at system loss charges na ipinapasa sa mga consumer bilang bahagi ng kanilang electricity bills.
Sinabi rin ng Senate President na nakadepende ang bansa sa imported oil, dahilan para mas maapektuhan ang presyo ng gasolina at kuryente kapag tumataas ang presyo ng enerhiya sa pandaigdigang merkado.
Nauna nang naghain si Gatchalian ng Senate Bill No. 2350 na naglalayong ipagbawal ang paniningil ng system loss charges sa mga consumer at alisin ang value-added tax sa pagbebenta ng kuryente. Naghain din siya ng Senate Resolution No. 581 para siyasatin ang kawalan ng regular na fuel cost audit.









