Kinuwestiyon ng mga senador ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagkaantala ng training allowance ng mga atleta, kabilang ang dalawang buwang hindi pa natatanggap ng Philippine women’s volleyball team.

Ayon kay Senador Bong Go, hindi katanggap-tanggap ang pagkaantala dahil maaaring makaapekto ito sa paghahanda at morale ng mga atleta sa mga kompetisyon.

Ipinaliwanag naman ni PSC Chairman Patrick Gregorio na posibleng may kaugnayan ang problema sa pamunuan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF), na tatlong beses nang nagpalit ng presidente mula noong 2025.

Samantala, umabot sa ₱270 milyon ang hindi pa nali-liquidate na pondo ng PNVF, ayon sa Commission on Audit.

Tiniyak naman ng PSC na tinutugunan din nito ang mga nakabinbing insentibo ng mga atletang nagwagi sa World Jiu-Jitsu Championship noong Agosto.

-- ADVERTISEMENT --