Itinalaga ng Senado nitong Lunes ang bagong mga chairperson ng ilang permanenteng komite kasunod ng kamakailang pagbabago sa liderato ng mataas na kapulungan.

Sa plenary session, inihayag ni Acting Senate Majority Floor Leader Sen. Joel Villanueva ang bagong mga committee assignment.

Si Sen. Pia Cayetano ang itinalagang chair ng Ways and Means, Energy, at Sustainable Development Goals, Innovation and Futures Thinking.

Si Sen. Loren Legarda naman ang mamumuno sa Culture and the Arts at Basic Education.

Si Sen. Bong Go ang chair ng Health at Sports committees, habang si Sen. Jinggoy Estrada ang mamumuno sa National Defense and Security at Games and Amusements.

-- ADVERTISEMENT --

Si Sen. Robin Padilla ang itinalagang chair ng Public Information and Mass Media at Cultural Communities and Muslim Affairs.

Si Sen. Joel Villanueva naman ang mamumuno sa Higher, Technical and Vocational Education, habang si Sen. Rodante Marcoleta ang chair ng Public Services.

Ang mga bagong pagtatalaga ay kasunod ng pagkahalal kay Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President, kapalit ni dating Senate President Vicente Sotto III.

Wala pang naihahalal na bagong Senate Majority Leader matapos tumanggi si Sen. JV Ejercito sa alok ng majority bloc para sa naturang posisyon.