Pinaikli ng Senado ang oras ng trabaho nitong Lunes, Agosto 17, dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Habagat at red rainfall warning sa Metro Manila.

Sa advisory ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., pinayagan ni Senate President Sherwin Gatchalian ang mga empleyado na umalis sa kanilang tanggapan simula alas-4 ng hapon.

Alinsunod ito sa Memorandum Circular No. 127 ng Malacañang na nag-aatas sa mga government offices na magpatupad ng angkop na work arrangements dahil sa masamang panahon.

Sakop din ng naturang direktiba ang ilang lalawigan sa Luzon, kabilang ang Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon at Occidental Mindoro.