Pinayagan ng Senado na mag-work from home o WFH ngayong Agosto 19 ang mga opisyal at empleyadong hindi direktang sangkot sa plenary session, kasunod ng patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.

Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr., ipinatupad ang work-from-home arrangement sa direktiba ni Senate President Sherwin Gatchalian, alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 ng Malacañang.

Inatasan naman ang mga kinauukulang tanggapan na tukuyin ang essential personnel na kinakailangang pumasok upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga kinakailangang gawain sa Senado.

Samantala, nakadepende sa kani-kanilang senador ang work arrangement ng mga empleyado ng Senate proper.