Nagpapasalamat si Gordon Ramsay dahil siya ay buhay matapos siyang maaksidente sa bisikleta sa Connecticut sa Amerika.

Sinabi ng sikat na TV chef sa kanyang instagram na nagkaroon siya ng matinding aksidente.

Kasabay nito, pinasalamatan niya ang mga trauma surgeons, doctors at nurses na umasikaso sa kanya.

Ayon sa kanya, maayos na ang kanyang kalagayan at nagpapasalamat siya dahil wala siyang fractures o major injury, subalit nagkaroon siya ng pasa sa kanyang katawan.

Sinabi niya na ang kanyang helmet ang nagligtas sa kanya.

-- ADVERTISEMENT --

Si Ramsay ay avid cyclist at triathlon competitor.