
Naglabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng executive order na pansamantalang nagsususpinde ng excise tax sa LPG at kerosene sa loob ng tatlong buwan.
Ayon sa kautusan, saklaw ng suspensyon ang LPG maliban kung ginagamit bilang raw material sa petrochemical products o pang-motor, at kerosene maliban kung ginagamit bilang aviation fuel.
Isasailalim ito sa buwanang pagsusuri at maaaring maagang ibalik ang buwis kapag bumaba sa ilalim ng $80 kada bariles ang average na presyo ng langis o matapos ang itinakdang panahon.
Layunin ng hakbang na mabawasan ang gastusin ng mga konsyumer sa gitna ng pabagu-bagong presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa Department of Finance, maaaring makatipid ang mga mamimili ng halos P36.96 sa bawat 11-kilong LPG at P5.56 kada litro ng kerosene dahil sa suspensyon.










