Huli ang tatlong estudyante na sangkot sa illegal drugs activity at nabuwag ang drug den sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 at iba pang katuwang na law enforcers kahapon ng hapon sa Barangay Tanza, Tuguegarao City.

Kinilala ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA Region 2 ang mga nahuli na sina alyas “Estong,” 22 anyos, alyas “Gelo,” 20 anyos, magkapatid, at alyas “Ray,” pawang mga residente ng Appari, Cagayan, at nangungupahan sa nasabing lugar.

Ayon kay Castro, nakuha sa mga suspek ang walong piraso ng plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu, na may timbang na nasa pitong gramo. na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P47,000, at drug paraphernalia.

Kaugnay nito, sinabi ni Castro hindi pa nakikipag-ugnayan sa kanila ang may-ari ng bahay na ginawang drug den ng mga suspek.

Sinabi niya na kung mapapatunayan na alam ng may-ari ang ginagawa ng mga suspek sa kanyang paupahang bahay ay irerekomenda niya na ideklara itong nuisance property.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Castro, kung maituring na nuisance area ang nasabing bahay ay maaari itong kumpiskahin ito ng gobyerno.