Tatlong matataas na kalibre ng baril at mga bala ang narekober ng mga miyembro ng militar habang nagsasagawa ng combat operation sa Brgy. Lifuga, Alfonsolista, Nueva Vizcaya.

Nahukay ng tropa ng 84th Infantry Battalion ang dalawang bush master M16 riffle, isang colt M16 Riffle, mga magazines at iba’t ibang mga bala.

Dahil sa mga narerekober na gamit ng mga rebelde at ang pakikiisa ng publiko sa gobyerno ay inaasahan naman ang patuloy na paghina ng kanilang pangkat.

Samantala, patuloy pa rin ang paghikayat ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng Communits Terrorist Groups na magbalik loob na sa pamahalaan upang makatanggap ng tulong kasabay ng kanilang pagbabagong buhay.