Huli sa aktong gumagamit ng iligal na droga ang tatlong kalalakihan sa isang luma at abandonadong bahay sa Barangay Macanaya, Aparri, Cagayan.
Ang matagumpay na anti-illegal drug operation ay isinagawa ng mga tauhan ng Aparri Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto nina aka Art, 20 taong gulang, aka Ador, 18 taong gulang, aka Greggy, 17 taong gulang; parehong mga estudyante at mga residente ng Aparri, Cagayan.
Bago ang pagkakahuli sa mga suspek, may natanggap na impormasyon ang pulisya mula sa isang confidential informant na mayroong tatlong katao na gumagamit ng iligal na droga.
Agad na nagsagawa ng beripikasyon ang Intelligence Operatives ng Aparri Police Station, kung saan nahanap nila ang nasabing abandonadong bahay at nakita sa akto ang tatlong lalaki na may hawak na mga drug paraphernalia at hinihinalang shabu.
Nakumpiska mula sa mga ito ang isang nabuksan na plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at drug paraphernalia.