Tuguegarao City- Patuloy ang search and rescue operation ng mga otoridad sa dalawang menor de edad na

nalunod sa ilog sa Barangay Natapian East, Solana, Cagayan.

Sa panayam kay PLT Divina Lagua, deputy Chief of Police ng PNP Solana, hanggang ngayon ay hindi pa

nahahanap sina Daniella Malillin, 11 anyos at Mae Shan Miranda, 9 anyos.

-- ADVERTISEMENT --

Narecover naman ang bangkay ng isa pa nilang kasama na si Alexa Nicole Siringan, 11 anyos.

Maswerte namang nakaligtas si Jaymar Dela Cruz, 9 anyos dahil sa marunong umano siyang lumangoy.

Sinabi ni Lagua na sa pagsisiyat, nagkayayaan ang magpipinsan na pumunta sa ilog para maligo.

Sumakay ang mga ito sa kahoy na bangka at habang nagsasagwan ay tumaob ito na dahilan ng pagkalunod ng

mga biktima.