
Kinuwestiyon ng prosecution at ilang senator-judges ang unang testigo ng depensa ni Vice President Sara Duterte tungkol sa umano’y all-expenses-paid trip nito sa China noong Nobyembre 2025.
Sa cross-examination, tinanong si Davao City Assessor Engineer Jaime Adalin kung kabilang siya sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na bumiyahe sa China sa ilalim ng tour na umano’y itinaguyod ng Chinese Consulate.
Sinabi ni Adalin na hindi niya maalala ang petsa ng biyahe at wala rin siyang hawak na record. Dahil dito, kinuwestiyon ng private prosecutor na si Benjamin Tolosa Jr. ang kaniyang pagiging bukas sa pagsagot, habang iginiit naman ni Senator-Judge Vicente Sotto III na mahalagang malaman ito upang masukat ang kredibilidad ng testigo.
Nagbabala naman si Senator-Judge Erwin Tulfo na maaari siyang ma-cite for contempt kung patuloy niyang gagawing biro ang kaniyang testimonya, dahil nasa ilalim siya ng panunumpa.









