
Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang Tropical Storm “Jangmi” bandang alas-12:30 ng madaling araw ng Mayo 29 at tatawaging “Domeng,” ayon sa PAGASA.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,200 kilometro silangan ng Southern Luzon taglay ang lakas ng hanging 75 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 90 kilometro kada oras habang kumikilos pahilaga sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Inaasahang lalo pang lalakas ang bagyo at posibleng maging typhoon category pagsapit ng Sabado, Mayo 30.
Posible rin itong lumabas ng PAR sa Lunes, Hunyo 1.
Patuloy namang mino-monitor ng PAGASA ang galaw ng bagyo at pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa mga susunod na weather advisories.
-- ADVERTISEMENT --










