
Nagbabala ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) sa mga tricycle driver sa lungsod ng Tuguegarao na huwag munang maningil ng inaprubahang P4 na dagdag-pasahe dahil opisyal pa lamang itong ipatutupad simula sa darating na Sabado, June 20, 2026.
Ayon kay Dr. Rey Ferrer, TRU- Head na nananatili ang bisa ng dating taripa of P18 na regular fare hanggang Biyernes.
Anumang paniningil ng halagang higit sa nakasanayang presyo bago ang nasabing petsa ay ituturing na paglabag sa itinakdang alituntunin.
Ang mga drayber na mahuhuling lumabag ay maaaring harapin ang pagpapataw ng multa, at sa malalang kaso ay maaaring bawiin o suspindihin ang kanilang prangkisa at permit.
Pinayuhan naman ang mga pasahero na maging mapagmatyag at kung sakaling maningil ng labis bago ang Sabado, maaari nilang tanggihan ang bayad at isumbing sa TRU.
Patuloy naman ang TRU sa isasagawang monitoring at pagpapatupad ng batas upang masiguro ang maayos na paglipat sa bagong taripa at maprotektahan ang kapakanan ng riding public.










