
Nagbabala si US President Donald Trump na magbabayad ng “big price” ang bagong lider ng Venezuela kung hindi ito makikipagtulungan sa Estados Unidos, matapos na huliin at ipakulong ang kanyang dating boss na si Nicolas Maduro.
Binigyang-diin ni Trump na kung hindi gagawin ni interim president Delcy Rodriguez ang tama, mas mabigat ang kanyang kahaharaping parusa.
Matatandaan na sinalakay ng US forces ang Caracas noong madaling araw ng Sabado, kung saan binomba ang ilang targets at kinuha si Maduro at ang kanyang asawa para harapin ang kasong narco trafficking sa New York.
Sinabi ng Trump administration na handa itong makipagtulungan sa nalalabing pamahalaan ni Maduro kung mabibigyan ang US ng access sa malaking crude oil reserves ng Venezuela.
Samantala, inihayag ng Venezuelan military na kinikilala nila si Rodriguez, dating vice president ni Maduro, bilang acting president, at nanawagan sa kanilang mga mamamayan na ipagpatuloy ang kanilang normal na buhay.










