Nagbantang palitan ni US President Donald Trump ang pangalan ng Lake Ontario at gawin itong “Lake America” habang patuloy na umiigting ang trade war sa pagitan ng Estados Unidos at Canada.

Sa post ni Trump sa Truth Social, sinabi niyang pinag-iisipan ng US ang pagpapalit ng pangalan dahil hindi na umano nila inaasahang makikipagkalakalan nang malaki sa Ontario.

Ang Lake Ontario ay isa sa limang Great Lakes ng North America at nasa pagitan ng Canadian province na Ontario at US state na New York.

Samantala, sinabi ni Canadian Minister Dominic LeBlanc na hindi tutugon ang Canada sa mga post sa social media ng administrasyong Trump.

Ang pahayag ni Trump ay kasunod ng kanyang naunang hakbang na palitan ang pangalan ng Gulf of Mexico bilang “Gulf of America.”

-- ADVERTISEMENT --