Lumakas pa ang Tropical Storm Kristine (Trami) bago ang napipintong pagtawid sa Northern-Central Luzon area simula bukas hanggang sa Huwebes. Asahan ang malawakang mga pag-ulan at pagbugso ng hangin sa malaking bahagi ng Luzon simula bukas.
Huling namataan ang lokasyon ng sentro ng bagyo sa layong 390 km sa silangan ng Daet, Camarines Norte. Taglay nito ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 75 km/h at pagbugsong aabot sa 90 km/h. Kumikilos ito sa bilis na 15 km/h pa-kanluran hilagang kanluran at ang lawak ng malalakas na hangin ay aabot sa 760 km mula sa gitna.
Ang sentro ng bagyong KRISTINE ay 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗴𝗮𝘁𝗮𝗻 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗻𝗱𝘂𝗮𝗻𝗲𝘀, ngunit ang malawak na sirkulasyon at ang trough o extension ng mga kaulapan nito ay nagpapaulan na sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.
Sa mga susunod na oras ay may matitinding mga pag-ulan at hanggang sa malalakas na pagbugso ng hangin na sa Bicol Region, Isabela, Aurora, at Quezon.
May hanggang sa malalakas na pag-ulan at pabugsu-bugsong may kalakasang hangin sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Eastern Visayas, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.
Makulimlim na papawirin at mga kalat-kalat na mga pag-ulan naman ang mararanasan sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, BARMM, SOCCSKSARGEN at nalalabing bahagi ng Visayas.
Habang nasa karagatan pa, patuloy na lalakas ang bagyong KRISTINE at 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗘𝗩𝗘𝗥𝗘 𝗧𝗥𝗢𝗣𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗠 bago nito tawirin ang kalupaan ng Luzon. Hindi inaalis ang posibilidad na maging Typhoon pa ito bago maglandfall.
Bukas ng gabi o madaling araw ng Huwebes ay posibleng maglandfall na ang sentro ng bagyo sa 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹𝗮-𝗔𝘂𝗿𝗼𝗿𝗮 at tatawirin ang Northern-Central Luzon area hanggang Huwebes ng hapon.
𝗠𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴𝗮𝘁 𝗼 𝗯𝘂𝗺𝗮𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗵𝗮𝗸𝗶𝗻 𝗻𝗶𝘁𝗼 sa mga susunod na oras, kaya masusing pinag-iingat rin ang Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, at Bicol Region.
Mula bukas (Miyerkoles) hanggang sa Huwebes ay 𝗺𝗮𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗵𝗮𝗹𝗼𝘀 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 (𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮) dahil sa malawak na sirkulasyon ng bagyo.
Pinakaramdam ang malalakas na hangin at matinding ulan sa mga 𝗱𝗶𝗿𝗲𝗸𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗮𝘁 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻. Hanggang sa TCWS No. 4 ang posibleng pinakamataas na ilabas ng PAGASA para sa mga direktang daraanan ng bagyo.
Ang 𝘁𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 ay posibleng patuloy na magdulot ng makulimlim na papawirin at mga kalat-kalat na pag-ulan at pagbugso ng hangin sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao hanggang sa Biyernes.
𝗦𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗕𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗵𝘂𝗽𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗽𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮, ngunit makulimlim at may mga pag-uulan pa sa malaking bahagi ng Luzon na maaaring mas humina pagsapit ng weekend.