Tinawag ng Philippine Embassy sa Bangkok na “false information” ang balitang 10 Pilipino ang namatay sa magnitude 7.7 na lindol sa Thailand noong Biyernes.
Ayon sa embassy, wala pa silang natatanggap na ulat hinggil sa mga Pilipinong nasaktan sa lindol.
Sa isang panayam, sinabi ni Millicent Paredes, Philippine Ambassador to Thailand, na wala pang Pilipinong humihiling ng tulong mula sa embahada.
Idineklara ang Bangkok bilang isang emergency zone matapos ang magnitude 7.7 na lindol na tumama sa Myanmar at nakaapekto sa kabisera ng Thailand.
Pinayuhan ng embassy ang mga Pilipino sa Thailand na sundan ang mga update mula sa mga pinagkakatiwalaang pinagmumulan ng impormasyon at umiwas sa pagpapakalat ng “pekeng” balita na hindi pa nabe-verify.
-- ADVERTISEMENT --