
Tutol ang International Maritime Organization (IMO) ng United Nations sa panukalang pagsingil sa mga barkong daraan sa Strait of Hormuz, kasunod ng pahayag ni US President Donald Trump na magpapataw siya ng 20% bayarin sa mga kargamentong daraan sa mahalagang rutang pandagat.
Ayon sa tagapagsalita ng IMO, wala umanong legal na batayan sa ilalim ng international law upang maningil ng mandatory toll sa mga barkong dumaraan lamang sa isang international strait.
Hinihintay pa rin ng ahensya ang karagdagang detalye hinggil sa plano ng administrasyong Trump.
Nagpahayag din ng pag-aalala ang ilang opisyal ng shipping industry, na nagsabing posibleng lumabag sa pandaigdigang batas ang naturang hakbang at magdulot ng panibagong pangamba sa seguridad ng mga barkong naglalayag sa Strait of Hormuz.










