Nagdagdag ang Pilipinas ng apat na medalya sa 2026 Asian Games nitong Martes, pinakamalaking medal haul ng bansa sa isang araw sa torneo.

Pinangunahan ito ni EJ Obiena, na nasungkit ang gintong medalya sa men’s pole vault matapos tumalon ng 5.91 metro at magtakda ng bagong Asian Games record.

Nakuha naman ni Victoria Bossong ang bronze sa women’s 800-meter run matapos itala ang oras na 2:05.34.

Sa women’s sepak takraw, nag-uwi ng silver sina Nelly Jay Salon, Jean Marie Sucalit at Abegail Sinogbuhan matapos matalo sa Vietnam sa finals.

Samantala, bronze medal naman ang nakuha ni Jayuard Alciso sa men’s shortboard surfing matapos talunin ang kapwa Pilipinong si Toby Espejon sa bronze medal match.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabuuan, mayroon nang 18 medalya ang Pilipinas—3 gold, 3 silver at 12 bronze.