Nakatutok ang Team Philippines sa panibagong laban para sa medalya sa 2026 Asian Games ngayong Huwebes, Setyembre 24, tampok ang magkapatid na Carlos at Karl Eldrew Yulo sa men’s floor exercise final.

Alas-4 ng hapon ang gymnastics final kung saan parehong sasabak ang magkapatid na Yulo.

Kabilang din sa mga tampok na laban ang Gilas Pilipinas Women kontra Chinese Taipei sa basketball quarterfinals, alas-3 ng hapon.

Sa 3×3 basketball naman, sasabak ang Gilas Pilipinas Men alas-5:30 ng hapon, habang alas-6:45 ng gabi ang laban ng Gilas Pilipinas Women.

Sa iba pang sports, maglalaban si Cris Nievarez sa men’s single sculls final sa rowing alas-7:30 ng umaga, habang sasabak si Norlan Petecio sa men’s 70-kilogram boxing quarterfinals simula alas-4 ng hapon.

-- ADVERTISEMENT --

May mga kinatawan din ang Pilipinas sa swimming, athletics, esports, fencing, shooting, skateboarding, beach volleyball at weightlifting.

Kabilang sa mga susubaybayang atleta si Eleaphraime Limmong sa men’s 60-kilogram weightlifting at sina Elizabeth Amador, Mazel Paris at Jericho Francisco sa skateboarding.