
Posibleng magpatuloy ang ceasefire agreement sa pagitan ng United States at Iran matapos umanong magkasundo ang dalawang bansa sa isang pansamantalang kasunduan, ayon sa ulat.
Gayunman, hinihintay pa umano ang pinal na pag-apruba ni US President Donald Trump.
Kasunod ito ng panibagong sagupaan matapos targetin ng Iran ang isang US air base sa Kuwait bilang tugon sa isinagawang airstrike ng Amerika laban sa umano’y Iranian drone operation.
Sa ilalim ng panukalang kasunduan, inaasahang palalawigin ang tigil-putukan sa loob ng 60 araw habang ipinagpapatuloy ang negosasyon kaugnay ng nuclear program ng Iran.
Nanatili namang tensyonado ang sitwasyon sa Middle East matapos magkaroon ng panibagong palitan ng pag-atake sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.










