
Hindi na tatakbo si US House Speaker Mike Johnson para sa posisyon bilang House Minority Leader matapos mawalan ng mayorya ang kaniyang partidong Republican sa midterm elections.
Ayon sa isang source na may kaalaman sa usapin, ipinaalam ni Johnson ang kaniyang desisyon sa mga tauhan noong Miyerkules ng umaga.
Nahirapan si Johnson na panatilihin ang kontrol ng mga Republican sa Kamara dahil sa manipis na mayoryang 218-214.
Sa halalan ngayong linggo, nakuha ng mga Democrat ang kontrol sa kapwa House of Representatives at Senado.
Hindi pa malinaw kung sino ang hahalili kay Johnson bilang lider ng mga Republican sa Kamara.
-- ADVERTISEMENT --
Inaasahang iaanunsyo naman ni Ohio Representative Jim Jordan ang kaniyang kandidatura sa nasabing posisyon.






