
Kauna-unahang beses na bumoto sa isang secular election habang nanunungkulan bilang Santo Papa si Pope Leo, matapos siyang magpadala ng mail-in ballot para sa midterm elections sa Estados Unidos.
Sinabi ni Leo na ipinagmamalaki niyang isang Amerikano at nais niyang gamitin ang karapatang bumoto bilang bahagi ng kaniyang tungkulin bilang mamamayan.
Si Pope Leo, na ipinanganak sa Chicago bilang Robert Prevost, ang kauna-unahang Amerikanong naging Santo Papa. Nauna nang kinumpirma ng mga lokal na opisyal sa Will County, malapit sa Chicago, ang kaniyang paghiling ng mail-in ballot.
Samantala, hindi nagbigay ng komento ang Santo Papa sa resulta ng halalan sa Texas, kung saan nagwagi ang mga Democrat sa pagka-gobernador at isang puwesto sa Senado.










