
Lumago ang labor market ng United States matapos magdagdag ng 115,000 trabaho noong Abril, mas mataas sa inaasahang 65,000 lamang, ayon sa pinakabagong datos.
Nanatili rin sa 4.3% ang unemployment rate sa parehong buwan.
Ayon sa ulat, mas mababa ang naitalang job growth kumpara noong Marso na umabot sa 185,000 matapos i-revise, na naapektuhan ng pagtatapos ng malalaking labor strikes at paborableng kondisyon ng panahon.
Batay sa datos ng Bureau of Labor Statistics, inaasahan nang humina ang job growth dahil sa ilang salik tulad ng pagtanda ng populasyon, paghina ng immigration, at pagtaas ng paggamit ng teknolohiya na naglilimita sa mas mabilis na paggalaw ng employment market.
Gayunman, tinawag ni Kevin Hassett, direktor ng White House National Economic Council, ang datos bilang “absolutely blockbuster numbers” sa isang panayam
Sinabi rin niya na nananatiling may mga hamon ang ekonomiya, kabilang ang epekto ng patuloy na digmaan sa Iran at mataas na presyo ng gasolina na nasa $4.55 kada galon.




