
Idineklara ng doktor ng White House na si US President Donald Trump na nasa “excellent health” at “fully fit” para gampanan ang tungkulin bilang Commander-in-Chief, kasunod ng isinagawang routine medical examination sa Walter Reed Military Hospital.
Ayon kay US Navy Captain Sean Barbabella, lumabas sa pagsusuri na maayos ang cardiac, pulmonary, neurological, at overall physical functions ng 79-anyos na Pangulo.
Gayunman, sinabi ng doktor na kailangan pa rin ng mas mahigpit na health management para kay Trump, kabilang ang rekomendasyon na magbawas ng timbang, mas aktibong pamumuhay, at pag-adjust ng diet, pati na ang patuloy na pag-inom ng ilang maintenance medications gaya ng para sa cholesterol at low-dose aspirin.
Batay sa medical memo, tumaas ang timbang ni Trump kumpara sa kanyang nakaraang annual check-up, ngunit nananatili pa rin siyang kwalipikado para sa full duties ng pagkapangulo.
Samantala, bahagi rin ng ulat ang minor bruising sa kanyang kamay na iniuugnay sa madalas na pakikipagkamay at paggamit ng aspirin para sa cardiovascular prevention.










